Gatchalian: Uphold safety, welfare of children affected by Bulusan eruption

Senator Win Gatchalian is urging the Department of Social Welfare and Development (DSWD), the Department of Health (DOH), and the Department of Education (DepEd) to ensure the safety and welfare of children affected by the recent eruption of Mount Bulusan in Sorsogon.

While it has calmed down, Gatchalian said that we always have to ensure safe and child-friendly spaces for children who need to be evacuated whenever there are calamities. The senator sought the adequate provision of basic necessities and services such as food, water, medicines, sanitary, and hygiene kits. He also emphasized the need to provide psychosocial intervention for affected children.

“Ang mga bata ang pinaka apektado tuwing nakakaranas tayo ng mga kalamidad at mga sakuna. Matapos ang pagsabog ng Mount Bulusan, ang ating prayoridad ngayon ay matugunan ang mga agarang pangangailangan, matiyak ang kanilang kaligtasan, at matulungan silang makabalik nang ligtas sa kanilang mga tahanan kung hindi na muling sasabog ang bulkan,” said Gatchalian.

More than 200 individuals fled following Sunday’s steam-driven eruption, the majority of which were children under the age of 18. The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) also reported that classes in three schools in the town of Juban were suspended. These are Puting Sapa Elementary School, Sangkayon Elementary School, and Añog Elementary School.

The DepEd in Sorsogon earlier advised school officials to prepare classrooms in Casiguran, Irosin, and Juban as possible evacuation centers. Gatchalian maintained, however, that this recent eruption presses the need for at least one evacuation center in every city and municipality to avoid the use of schools as evacuation sites.

During the recently concluded 18th Congress, Gatchalian filed Senate Bill No. 747, which seeks the establishment of structurally sound evacuation centers in every city and municipality.

“Patuloy nating isusulong ang pagkakaroon ng matatag na evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Hindi na natin maaaring ipagpaliban ito lalo na’t madalas nararanasan ng ating bansa ang mga sakuna at kalamidad,” Gatchalian said.

# # #

________________________________________

Gatchalian: Itaguyod ang kapakanan, kaligtasan ng mga batang apektado ng Bulkang Bulusan

Hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at Department of Education (DepEd) na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga batang apektado ng pagsabog ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Bagama’t humupa na, sinabi ni Gatchalian na kailangan nating tiyakin ang ligtas na mga espasyo para sa mga batang kailangang ilikas kapag may mga ganitong sakuna o kalamidad. Pinatitiyak din ng senador ang pagkakaroon ng sapat na pagkain, tubig, gamot, sanitary at hygiene kits at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Hinimok niya na tiyaking may psychosocial support na matatanggap ang mga kabataang apektado.

“Ang mga bata ang pinaka apektado tuwing nakakaranas tayo ng mga kalamidad at mga sakuna. Matapos ang pagsabog ng Mount Bulusan, ang ating prayoridad ngayon ay matugunan ang mga agarang pangangailangan, matiyak ang kanilang kaligtasan, at matulungan silang makabalik nang ligtas sa kanilang mga tahanan kung hindi na muling sasabog ang bulkan,” ani Gatchalian.

Mahigit dalawang daang katao ang lumikas matapos ang pagsabog nitong nagdaang Linggo. Karamihan sa mga lumikas ay mga kabataang mas bata sa labing-walong taon. Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), suspendido ang klase sa tatlong paaralan sa bayan ng Juban. Kabilang dito ang Puting Sapa Elementary School, Sangkayon Elementary School, at Añog Elementary School.

Inabisuhan din ng DepEd sa Sorsogon ang mga school officials na ihanda ang mga silid-aralan sa Casiguran, Irosin, at Juban bilang posibleng evacuation site. Ngunit para kay Gatchalian, mas mainam na magkaroon ng evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad upang maiwasan ang paggamit sa mga paaralan bilang evacuation site.

Sa kakatapos lamang na 18th Congress, inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 747 na ipinapanukala ang pagkakaroon ng matatag na evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad.

“Patuloy nating isusulong ang pagkakaroon ng matatag na evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Hindi na natin maaaring ipagpaliban ito lalo na’t madalas nararanasan ng ating bansa ang mga sakuna at kalamidad,” pahayag ni Gatchalian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *