Transcript of interview Senator Risa Hontiveros on Radyo5 with Ted Failon and DJ Chacha

Q: May mga nakakausap ako at sinasabi ng iba na kayo lang ang pumasok sa mga binoto nila. Alam ho niyo yun? May mga ganon pong kwento … Kayo ho ba ay kumportable na po ngayon sa inyo pong posisyon sa nangyayaring bilangan gamit ang transparency server ng Comelec?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Sinasabi ng mga observers na kung magpatuloy yung kasalukuyang trend ay medyo mas may assurance na makakapagtrabaho ako muli sa Senado. Kaya kung magkaganoon nga ay lubos ang pasasalamat ko talaga sa mga nagtiwala at nagtaya dun sa panawagan ko at adbokasiyang R1saPa!. Magiging karangalan ko pong makapaglingkod ulit sa ating mga kababayan.

Q: I’m sure ang inyong campaign team ay nagbabantay ngayon kasi po number 11 po kayo and then number 12, pero napakaimportante po sa mga dikit ang labanan, as you know, na habang meron pang hindi nabibilang na mga balota, or merong mangyayari na special election kasi nga po ngayon ang ating source 98%+ ang sinasabing na-canvass na doon sa transparency server na ito na resulta.

May gaganapin po daw na special election. Kayo ho ba ay magbabantay doon kasi alam niyo sa ating mga naging karanasan, minsan po kasi, bagamat wala na kayong.. ang ang nangyayari po bilihan ng boto para ho makahabol doon sa dulo? With all due respect, hindi ako nag-aakusa. Pero ang iba nagbabantay lang kung anuman po ang mangyari.

SRH: Bilang mamamayan, at kandidato, ay siyempre umaasa ako na yung Comelec kasama yung apat na bagong komisyonado, kasama yung taga-Pangulo, na na-appoint nung nakasuspend na kami sa sesyon, hindi na dumaan sa Commission on Appointments, ay gagampanan ang kanilang Constitutional duty, kasama po nila at inaasahan din sila na sila yung magiimbestiga at maglilinaw sa mga valid issues na niraise nung ating mga kababayan no ng vote buying, ng electoral violence, ng yung mga ibang video na inupload ng mga netizens na naghihingi ng paliwanag, kasama po ng Comelec siyempre ay nandoon po yung ating mga election watchdog groups, na yung iba ay nagsasabing na sa na-obserbahan nila so far, ay naging generally malinis at maayos yung eleksyon, at yung iba rin naman, yun na nga nagsasabing may mga isyung kailangang linawin satisfactorily.

And higit sa lahat, bukod sa Comelec at sa ating mga election watchdog groups, ay nandon yung ating mga mamamayan, na alam ko ay gustong magkaroon tayo, na nagkaroon tayo ng isang, at least generally, na malinis at maayos na eleksyon. Nakikiisa ako diyan kasi para din sa kanila kong inilaban itong makapagtrabaho muli sa Senado, lalo na para sa mga kababaihan, mga kabataan natin, ang mga pamilyang Pilipino at lahat po ng mga mahihirap at kung makapagtrabaho nga po ako ulit sa Senado, talagang pagsusumikapan kong hindi sila biguin.

Q: Ngayon, hawak ko po itong listahan ng mga senador na nandiyan po ang dose na naiwan at kayo po ulit na papasok. Mukha pong sa aking pagtingin dito, sa listahan na ito, wala po namang totoo, with all due respect, na tatayong Oposisyon? Sino ho ba ang inyong magiging kapanalig in the Senate sa usapin talaga ng pagiging Oposisyon? Yun po ang ikinababahala ng iba doon po sa usapin ng ating pagbabalanse sa ating demokrasya. Yung check and balance na atin pong dapat aasahan, between the legislature and the executive.

SRH: Napakaimportante nung kasasabi niyo na ang Senado, higit sa lahat, at lalo na nitong nakaraang mga taon ay ilang beses din sa kasaysayan ng institusyon, higit isang siglo na at lalo pati nitong nakaraang anim na taon, ay ilang beses ding tumindig bilang independienteng institusyon para dun sa checks and balances para dun sa pagfifiscalize, at lalo o patuloy, at lalong mahalaga yun, hanggang sa ngayon. So bagamat, gaya ng sinabi niyo nga, kung sa labindalawa, ito na nga kaming maproproklama, ako lang sa ngayon ang galing sa Oposisyon, pero maghahanap parin ako ng mga kasamang magbubuo ng Minorya sa kabubuang Senado, yung dalawampu’t apat namin. Magsisimula po kaming mag-usap and hopefully, makapagsalita narin kami publicly soon enough.

Napakahalaga po nun. Hindi po pwedeng mawala ang isang oposisyon. Hindi po pwedeng mawala ang minorya, lalo na sa isang institusyon tulad ng Senado. Dahil din sa ating lipunan, napaka-diverse natin, at kailangan salaminin ng ating gubyerno, ng dalawang sangay, yung legislative, at ideally yung executive, salaminin yung range of opinions na iyon. Para ding may mga malfeasance, misfeasance, o nonfeasance, ay ito po ay matugunan, mawasto kung may mali, mapuno kung may kulang.

Ako, bilang miyembro ng oposisyon, ay nakataya parin po ako doon, at pagsisikapan ko po talagang maging mabisa po kami, lalo na sa mga susunod na taon.

Q: Hindi naman po na kayo ay nilalagay sa alanganin pero ang akin lang naman po ay katapatan at katotohanan dito sa usapin ng paghalal sa Senate President. Hindi ko po babanggitin ang aking source pero ako po’y tatayo para sa kanya, na ang aking nabalitaan ay nangalap na ho ng lagda para sa susunod na Senate President. Kayo ho ba mismo, bilang Senador ngayon na sitting, at ngayon nga po ay nagwagi sa re-eleksyon, totoo ho ba maam na si maam Cynthia Villar ang susunod na Senate President?

SRH: Narinig ko rin po iyon, yung ganong usap-usapan. Pero wala akong personal knowledge or wala pong nagsabi na directly involved doon sa proseso. Alam niyo naman dahil kayo’y dating mambabatas rin, ang usapin ng Senate President o ng Speaker, ay talagang desisyon po ng mayorya. At ako po bilang oposisyon at papasok sa minorya kung maproklema nga sa Senado ng 19th Congress ay rerespetuhin ko yung magiging desisyon ng majority, pero ang priority ko talagang concern ay yung pagbubuo ng gano mang kalaki na minorya o kaliit man, basta epektibo.

Q: Iyan po ay aming ginagalang. At sabi ko nga din po, yan ay mga poder ng Senador, halal ng bayan na pumili po ng kanilang magiging pinuno, bilang Senate President … Ngayon, naiintidihan din po namin na merong mga Senador na maaring magsabi na kami ay magiging fiscalizer parin pero kami ay magiging miyembro parin ng majority. Ang dahilan naman po kasi diyan, with all due respect, ay yung paghawak ng kumite. Do you agree? Hindi ka kasi makakakuha ng iyong gustong kumite kung hindi ka miyembro ng majority.

SRH: Usually nangyayari yun sa House of Representatives dahil napakaraming kasapi ng House, sa ngayon ay halos tatlong daan na sila. Talagang napriprioritize ang mga miyembro ng majority sa pagpangulo ng mga kumite. Naalala ko rin iyon dahil nagtrabaho ako ng dalawang terms sa house bilang kinatawan ng Akbayan Party. At hindi ko po naranasan noon na mag-Chair sa isang kumite dahil halos lahat ng panahon ko doon ay miyembro ako ng minority.. Pero dito po sa Senado nitong nakaraang anim na taon kahit maagang naging miyembro ng minorya, nakaPangulo naman po lalo na nung Committee on Women.

Q: Ang tinutukoy ko ay mga premyadong komite example lang. Kasi ang isang Grace Poe na ngayon po’y chairman ng committee on public services franchise committee yan. Yang komite na yan ay napakahalaga at kapag po ang humawak ng komiteng yan ay may Kwestyon sa integridad aba’y sigurado pong mag-iiba ang takbo ng komite na yan. Kung si Grace Poe ay mapupunta sa minorya siguradong mawawala sa kanya ang premyadong komite na yan.

SRH: Posible nga po yan dahil tama kayo ang mga premyadong komite ay priority sa majority kahit na sa Senate whether public services or blue ribbon or finance and piblic works. sigurado po yan. At the same time, ilang beses din sa mga nakaraang taon na nakatawid kami sa majority-minority line na kahit pinapanguluhan ng isang member ng majoritty ang premyadong komite na nasa limelight dahil sa isang mainit na dinidinig or iniimbestigahan yung sa blue ribbon, yung sa pharmally, sa ilalim ni Chair Dick, nagpupugay ako sa kanya sa kanyang pagpupursige sa pharmally investigation namin, tatayuan ko yung findings non lalo na sa overpriced pandemic supplies. Nakakabuo rin naman kami ng we can make common cause with each other across the majority-minority line basta’t magkakaparehong adbokasiya, panukalang-batas man yan, resolusyon man yan, o budget interventions. Hindi mawawalan papel ang minorya dyan.

Q: Pero at the end of the day depende rin sa maaaring interes-personal ng uupo sa naturang premyadong komite, halimbawa kung Committee, itong on good government or blue ribbon committee, depende rin po naman siguro yan kasi nga napakaimportante ng komiteng yan para doon sa check and balance na dictum para po sa atin pong demokrasyang ito. Balikan ko lang po itong inyo pong hanay sa minority. Tingin nyo po ilan lang kayo na totoong magiging nasa minorya at tatayong oposisyon?

SRH: Kung naaalala nyo kahit ngayong 18th Congress, aapat lang kami sa pamumuno ni Minority Leader Sen Frank Drilon at yung isa ay nasa bilangguan pa na si Sen Leila na dapat palayain na kahapon pa. At kahit tatlo lang kami na sa pang-araw-araw ay nakakapagtrabaho doon kasama si Sen Kiko ay kahit papaano ay naging productive po kami at nakapag-exercise po ng check and balance of fiscalizing role sa executive kung makabuo kami ngayon, kung pagkatapos ng proklamasyon, ay nandoon na nga ako Senado, kung makabuo kami ng apat o tatlo buo pa rin ang kumpyansa ko na magsusumikap kami at magiging kapaki-pakinabang kami di lang sa Senado kundi harinawa sa ating bansa lalo na sa pinaka-challenging na panahong ito.

Q: Ano pa ba ang pending legislation na hindi nyo po nailusot nitong 18th Congress at itutulak nyo po ngayong 19th Congress?

SRH: Marami-rami pa po. Yung iniintay pa namin yung confirmation na napirmahan na nga yung expanded solo parents welfare bill, pending pa po, hinihintay ko ang committee report ng lingap para kay lolo at lola bill. Nandyan po ang balik-trabahong ligtas bill at marami pang iba na may kinalaman sa kalusugan at kabuhayan. At syempre yung walang kamatayang SOGIE bill at tungkol sa second chance at marriage.

Q: Hindi nyo po nabanggit ang National land use act?

SRH: Yes ako dyan, irerefile ko na naman kasi ilang beses na pong finile at ni-refile.

Q: Thirty (30) years na halos ang panukalang yan. 25 years ganon. Hindi yan makakalusot ngayong 18th congress. Ang chairman po ng Committee on Agriculture kung saan po naka-pending din ang panukala ay sa ilalim po ni Madam Senator Cynthia Villar. Hindi ito nakalusot ngayon. Ito ba ay makakalusot pag siya ang naging Senate President?

SRH: Depende po sa bilang sa bagong bubuuing senado, irerefile ko ulit yan kiung makapagtrabaho sa 19th Congress Senate at tulad ng lagi, iga-ground work na magkaroon di lang ng co-authors, kundi ng majority number ng mga senador na boboto para diyan once and for all dahil companion measure yan sa nauna nang Comprehensive Agrarian Program Extension with Reforms Law dapat kasunod yang NALUA dapat kasabay din yung alternative minerals management bill dapat kasabay din ang bagong Forestry code. Tamang pnagangasiwa po sa ating mga likas na yaman lalo na ngayon palapit na sa post-pandemic, post-recession kailangang-kailangang-kailangan po iyon at para tugunan ang kahirapan na panahon pa ng ating mga lolo at lola ay problema na ng ating Republika.

Q: Ano po ang inaasahan nyo pong government style o klase ng pamumuno ss presumptive president na si Bongbong Marcos?

SRH: Ang hirap sabihin bukod sa batay sa kasaysayan, e unfortunately, at palagay ko dapat hindi tanggapin yan na pag-uugali naming mga kandidato hindi huamrap sa mga debate, mas maraming unknown tungkol sa kanila kaysa sa alam na natin. Tapos yung isang recent press conference na sabi ng mga observers hindi sumasagot pa rin sa mga tanong, bukod sa mga hindi humarap sa mga debate, very concerning po yan dahil kailangang malaman ng publiko, ng civil society, ng private sector, at naming lahat na nagtatrabaho ngayon sa gobyerno at umaasang makakpagtrabaho ulit sa gobyerno kung ano ang style ng leadership at governance ng pinakamataas na mahahalal na lider ng bansa at kung ano ang laman ng kanyang paggogobyerno at ano ang laman ng kanyang plataporma de gobyerno.

Ngayong presumptive na nga silang Chief Executive e sa kung kumpanya nga lang hindi naman pwedeng unknown quantity ang presidente at chief executive nila lalo na sa isang bayan tulad natin kailangang mag communicate siya, makipag-usap siya sa publiko para rin luminaw ang terms of engagement paano ieengage ng iba’t ibang sektor ang presumptive president para isulong pa rin ang ating mga iba’t ibang adbokasiya at saka agenda. Kaya ito rin ang panawagan ko sa ating mga kababayan, hindi natapos sa araw ng eleksyon aty tungkulin natin kay Inang Bayan. Kailangang ipagpatuloy pa rin natin ang pag uusap-usap, ipagpatuloy ang pagbabayanihan, ipagpatuloy ang pagkilos natin para sa ating mga kababayan.

Q: Mensahe po ninyo sa lahat ng nagtiyaga, nagtiis, haba ng pila, init, aberya ng vcm, lahat din po ng tumulong para maipanalo ang isang Risa Hontiveros,

SRH: Gaya ng sinabi ko kanina, una sa lahat ay gusto kong taos-pusong magpasalamat sa lahat ng volunteers, mga supporters, hindi lang ng Risa pa, pero ng buong people’s campaign at talagang nakikiisa ako sa ating saya pero lungkot din galit, hindi pagkapaniwala, pagkahiya, pero tayo ay kumapit lang sumulong po tayo sa kinabukasan, ang dami pa po nating kailangang gawin at kiung makapagtrabaho nga tayo sa Senado, aasahan ko rin naman ang mga kapwa Senador na patuloy na panghawakan, palakasin pa ang pananalig ng mamamayan sa ating institusyon na kasama ng ating mga kababayan na sobrang naghirap sa mga nakaraang buwan ng kampanya na ang mga senador din ay patuloy na kumilos laban sa korapsyon laban sa fake news, para sa karapatang=pantao at sa panig ko rin po para nga po sa mga kababaihan, sa mga bata, sa mga pamilya, lahat ng mahihirap, magsusumikap po ako na hindi kayo biguin at bilang bahagi ng minorya, bilang bahagi ng Senado, at bilang bahagi ng oposisyon at patuloy na magsumikap makam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *