Gatchalian encourages WFH setup to save fuel and transport costs

Senator Win Gatchalian encouraged more government agencies, even those in the private sector, to engage in flexible work arrangements to save fuel and transportation costs and improve the quality of life of employees.

“Our office may look empty for some but we’re practicing work from home arrangement to save on gas, avoid traffic congestion, save time, and eliminate daily commutes,” Gatchalian explained, adding that employers can benefit as well due to cost savings.

“This is the new normal and working remotely can prove to be as productive as those working in an office setting. Malaking kaluwagan ito lalo na sa panahon ngayong aabot na sa isang daang piso kada litro ang produktong petrolyo at tumataas ang pamasahe. Dumarami na rin ngayon ang hindi bumibiyaheng pampublikong sasakyan dahil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis,” said Gatchalian.

Even before the Civil Service Commission (CSC) issued a resolution allowing flexible work arrangements in government offices, Gatchalian noted that working from home has already been adopted by some companies in the private sector.

Under Republic Act No. 11165, otherwise known as the “Telecommuting Act”, an employer in the private sector may offer a telecommuting program to its employees on a voluntary basis, and upon such terms and conditions as they may mutually agree upon.

In order to promote the flexible work arrangement, Gatchalian intends to pursue the legislation of his proposed tax incentives for employees on a work-from-home or telecommuting program and income tax deduction for employers.

Senate Bill No. 1706, co-authored by Gatchalian, proposes a reduction of P25.00 from the taxable income of an employee for every hour of work rendered under a WFH arrangement. He also proposed to make non-taxable the allowances and other benefits of employees covering expenses necessary for telecommuting, not exceeding P2,000 per month.

Employers, for their part, may claim an additional 50 percent income tax deduction for allowances granted within the specified ceiling, the senator said.

Such provision is aimed at encouraging employers to provide much needed allowances to their employees while the proposed tax deductions for workers will effectively increase the take-home pay of employees, he added.


Gatchalian: Ituloy and work-from-home para tipid sa gasolina, gastos sa pamasahe

Hinikayat ni Senador Win Gatchalian ang mga ahensya ng gobyerno, pati ang mga pribadong kompanya, na ipagpatuloy ang flexible work arrangement para makatipid sa gasolina at pamasahe at mapabuti ang lagay ng mga empleyado.

“Ang aking opisina ay patuloy na nagpapatupad ng work-from-home arrangement upang makatipid sa gasolina, makaiwas sa masikip na trapiko, makatipid sa oras, at maiwasan ang hirap ng pag-commute araw-araw papasok sa trabaho,” sabi ni Gatchalian.

Ang ganitong setup aniya ay mapapakinabangan din ng mga employer dahil makakatipid sila sa mga gastusin ng kumpanya.

“Ito na ang new normal at produktibo pa rin katulad ng isang office setting. Malaking kaluwagan ito lalo na sa panahon ngayong aabot na sa isang daang piso kada litro ang produktong petrolyo at tumataas ang pamasahe. Dumarami na rin ngayon ang hindi bumibiyaheng pampublikong sasakyan dahil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis,” dagdag pa ng senador.

Bago pa maglabas ng resolusyon ang Civil Service Commission (CSC) na nagpapahintulot sa flexible work arrangements sa mga ahensya ng gobyerno, sinabi ni Gatchalian na ipinatutupad na ito ng ilang pribadong kumpanya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11165 o ang “Telecommuting Act”, ang mga pribadong kumpanya ay maaaring mag-alok ng isang telecommuting program sa mga empleyado nila batay sa mga tuntunin at kondisyon na napagkasunduan nila.

Para mapalawig pa ang flexible work arrangement, nais ni Gatchalian na maisabatas ang kanyang panukala na magbibigay ng tax incentives sa mga empleyado na naka work-from-home o telecommuting program at income tax deduction sa mga employer.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1706, kung saan co-author si Gatchalian, magbabawas ng P25.00 mula sa binuwisang kita ng isang empleyado sa bawat oras ng trabaho na ginawa sa ilalim ng WFH arrangement. Sa kanyang panukala, iminungkahi rin ng senador na huwag nang buwisan ang mga allowance at iba pang benepisyo ng mga empleyado na sumasaklaw sa mga gastos para sa telecommuting na hindi hihigit sa P2,000 kada buwan.

Sa bahagi ng mga employers, iminungkahi ng senador na maaaring bawasan ng karagdagang 50 porsyento ang kanilang income tax deduction para sa mga allowance na sakop ng panukalang batas.

Ang nasabing probisyon ay naglalayong makahikayat ng mga employer na magbigay ng mga kinakailangang allowance sa kanilang mga empleyado habang ang iminumungkahing pagbabawas ng buwis para sa mga manggagawa ay layong makapagbigay ng mas mataas na take-home pay para sa kanila,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *