Gatchalian urges BIR to crack down on corrupt personnel

Senator Win Gatchalian urged the Bureau of Internal Revenue (BIR) to launch a massive crackdown on mulcting officials and personnel victimizing not just large corporations but even small businesses.

“Marami sa ating mga maliliit na negosyante ay kinikikilan ng ilang hindi matitinong kawani ng gobyerno. Hindi ko nilalahat pero alam naman natin na meron tayong mga BIR officials na nangha-harass o tinataas ‘yung tax assessment para makahingi sila ng pera kapag nakiusap na babaan ang tax assessment. Ito muna ang unahin natin, yung sugpuin iyong ganitong korapsyon,” Gatchalian said.

The senator also called for a clampdown against erring officials and employees of revenue collection agencies stating his stand that instead of introducing new taxes to fund services and address the country’s P12.763 trillion debt as of April, it’s more efficient to improve tax collection and fight corruption in the government.

Gatchalian took note of a recent series of reports on alleged extortion cases involving BIR personnel in Ilocos Sur, Dipolog City and Zamboanga City as well as the purported “pabaon” scheme of some outgoing officials of the agency.

“Bago natin pag-usapan na taasan ang buwis o taasan ang mga singilin, dapat sugpuin muna natin ang korapsyon dahil ang makikinabang lang dyan ay ‘yung mga corrupt officials na tinataas naman ang mga pekeng assessments nila,” the senator said.

“Dapat tuloy-tuloy lang ang laban natin sa korapsyon hanggang sa maayos ang sistema,” he added.

A drastic approach is needed to carry out an internal cleansing of the bureaucracy to rid government agencies of rotten eggs, Gatchalian further pointed out.

A similar campaign had already been carried out by the BIR at the onset of the Duterte administration which saw the resignation and early retirement of hundreds of BIR employees. The deluge of resignations was in response to the call against those involved in corruption charges.

“If there’s political will, we can improve tax collection, build taxpayers’ trust in government and ensure increased revenue. People are willing to pay when they know that their taxes are well spent on services due them,” said Gatchalian, who is said to be the incoming Chairman of the Senate Committee on Ways and Means.


Paglilinis sa hanay ng mga kawani ng BIR hinikayat ni Gatchalian

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang pamunuan ng Bureau of Internal Revenue o BIR na magsagawa ng malawakang paglilinis sa hanay ng mga opisyal at tauhan ng ahensya na nangingikil hindi lamang sa malalaking korporasyon kundi maging sa maliliit na negosyante.

“Marami sa ating mga maliliit na negosyante ay kinikikilan ng ilang hindi matitinong kawani ng gobyerno. Hindi ko nilalahat pero alam naman natin na meron tayong mga BIR officials na nangha-harass o tinataas ‘yung tax assessment para makahingi sila ng pera kapag nakiusap na babaan ang tax assessment. Ito muna ang unahin natin, yung sugpuin iyong ganitong korapsyon,” sabi ni Gatchalian.

Imbes na magpataw ng mga bagong buwis para pondohan ang mga serbisyo at tugunan ang utang ng bansa na umabot na sa P12.763 trilyon nitong Abril, ipinanawagan din ng senador na sugpuin ang mga tiwaling opisyal at empleyado ng iba pang revenue collection agencies nang sa gayon ay mahinto na ang mga katiwalian sa gobyerno at masiguro ang pagkakaroon ng mas maayos at mahusay na koleksyon ng buwis.

Pinuna ni Gatchalian ang mga napapaulat na mga kaso ng pangingikil kamakailan na kinasangkutan ng mga tauhan ng BIR sa Ilocos Sur, Dipolog City at Zamboanga City pati na rin sa balitang “pabaon” para sa ilang magreretirong opisyal ng ahensya.

“Bago natin pag-usapan na taasan ang buwis o taasan ang mga singilin, dapat sugpuin muna natin ang korapsyon dahil ang makikinabang lang dyan ay ‘yung mga corrupt officials na tinataas naman ang mga pekeng assessments nila,” sabi pa ng senador.

“Dapat tuloy-tuloy lang ang laban natin sa korapsyon hanggang sa maayos ang sistema,” dagdag pa niya.

Nanindigan si Gatchalian na kailangang paigtingin ang internal cleansing sa burukrasya upang hindi madamay ang mga matitinong kawani sa mga tauhang gumagawa ng kabulastugan.

Hindi na aniya bago ito dahil nagsagawa na ang BIR ng ganitong kampanya sa pagsisimula ng administrasyong Duterte na nagresulta sa pagbibitiw sa pwesto at maagang pagreretiro ng daan-daang empleyado ng BIR. Ang pagbaha ng pagsusumite ng resignation ang naging tugon ng mga tauhan ng ahensya na idinadawit sa mga kasong katiwalian.

“Kung may political will, mapapabuti natin ang koleksyon ng buwis, mabubuo muli ang tiwala ng publiko sa gobyerno at matitiyak ang pagtaas ng kita ng gobyerno. Ang mga tao ay handang magbayad kapag alam nila na ang kanilang buwis ay napupunta sa mga serbisyong nararapat para sa kanila,” ayon kay Gatchalian na sinasabing susunod na mamumuno ng Senate Committee on Ways and Means.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *