Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva urged the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) to answer unresolved issues and controversies as the agency is set to increase contributions this June.
“Ngayong magtataas sila ng singil, dapat rin nating singilin ang PhilHealth ng sagot sa mga isyu na natalakay natin noon sa mga hearing sa Senado. Ano ang mga hakbang na ginawa at ginagawa ng PhilHealth upang matugunan ang mga anomalya sa pondo na naungkat natin sa mga nakaraang Senate hearings? Nabayaran na ba ng PhilHealth ang mga utang nito sa ospital nitong pandemya? Dapat may report at accounting sila bago pa man sila magpatupad ng mas mataas na singil,” said Villanueva.
In addition, Villanueva said that the mandated increase in PhilHealth contributions starting next month should equate to better health services, especially with inflation in the country hitting a 3-year high at 4.9% and rising prices of fuel and basic goods.
“Kung automatic po and pagtaas ng bayad natin sa PhilHealth, dapat rin pong automatic ang pagpapaganda ng health services para sa ating mga kababayan. Halimbawa, meron na bang mas malawak na outpatient drug benefit and emergency package ang PhilHealth, gaya ng nakasaad sa Universal Health Care (UHC) Act,” said Villanueva.
“Ngayong tataas na ang bayad sa PhilHealth, pakiramdam po ng mga tao ngayon ay perwisyo kaysa serbisyo ang nakukuha natin sa PhilHealth,” he adds.
Villanueva has previously stated that even prior to the COVID-19 pandemic, PhilHealth has been recording persistently low support value, or the portion of hospitalization costs that the agency shoulders vis-a-vis the members’ total hospital bill. This is despite the increased funds of PhilHealth from premium payments from direct contributors and the annual appropriations in the national budget to finance the implementation of the UHC Law.
Under the Republic Act No. 11223 or the Universal Health Care Act, PhilHealth premium rates will go up from 2.75% in 2019 up to 5% for 2024 and 2025. The premium rates are set to increase by 4% this coming June. Following orders from Malacañang in January 2021, the hike in PhilHealth contributions were suspended last year and collection remained at 3%. Prior to this order, Villanueva filed Senate Bill No. 1968, mandating the suspension of the scheduled increase in PhilHealth contributions in the event of a public health emergency.
Villanueva said that the spirit of the Universal Health Care Law is not about enriching PhilHealth with increased premium rates, but it is about giving quality healthcare for Filipinos.
“PhilHealth is accountable to our workers who contribute their hard-earned money to pay the health premiums. This is also about our health workers and health care providers whose livelihoods also depend on PhilHealth fulfilling their responsibilities,” the senator said.
Perwisyo kaysa serbisyo ang nakukuha natin sa PhilHealth – TESDAMAN
Nanawagan si Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva sa pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na dapat sagutin ang mga isyu nitong kinakaharap habang nagbabadya ang minandatong pagtaas ng PhilHealth contributions simula Hunyo.
“Ngayong magtataas sila ng singil, dapat rin nating singilin ang PhilHealth ng sagot sa mga isyu na natalakay natin noon sa mga hearing sa Senado. Ano ang mga hakbang na ginawa at ginagawa ng PhilHealth upang matugunan ang mga anomalya sa pondo na naungkat natin sa mga nakaraang Senate hearings? Nabayaran na ba ng PhilHealth ang mga utang nito sa ospital nitong pandemya? Dapat may report at accounting sila sa bago pa man sila magpatupad ng mas mataas na singil,” sabi ni Villanueva.
Sinabi rin ng senador na dapat maging katumbas ng pinagbuting health services ang pagtaas ng singil sa PhilHealth contributions, lalo na’t may pinakamataas na inflation ang bansa sa loob ng tatlong taon na 4.9%, at tumataas din ang singil sa langis at mga bilihin.
“Kung automatic po and pagtaas ng bayad natin sa PhilHealth, dapat rin pong automatic ang pagpapaganda ng health services para sa ating mga kababayan. Halimbawa, meron na bang mas malawak na outpatient drug benefit and emergency package ang PhilHealth, gaya ng nakasaad sa Universal Health Care (UHC) Act,” sabi ni Villanueva.
“Ngayong tataas na ang bayad sa PhilHealth, pakiramdam po ng mga tao ngayon ay perwisyo kaysa serbisyo ang nakukuha natin sa PhilHealth,” said Villanueva.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care (UHC) Act, tataas ng premium rates ng PhilHealth mula 2.75% noong 2019 hanggang umabot ito ng 5% sa 2024 and 2025. Simula nitong Hunyo, 4% na ang kontribusyon para sa PhilHealth. Sunod sa utos ng Malacañang noong Enero 2021, napigilan ang pagtaas ng singil ng PhilHealth noong isang taon at nanatili ito sa 3%. Bago pa man ang kautusang ito, nagfile si Villanueva ng Senate Bill No. 1968, na naglalayong suspendihin ang scheduled increase ng PhilHealth contributions kung mayroong public health emergency.
Dati nang sinabi ni Villanueva na may mababang support value ang PhilHealth bago pa man magkaroon ng pandemya. Ang support value ay ang bahagi ng singil sa ospital na sinasagot ng PhilHealth para sa mga miyembro nito. Ito ang sitwasyon bagaman may dagdag ng pondo ang PhilHealth mula sa mga premium payments ng direct contributors nito, gayundin sa pagkakaroon ng taunang appropriations ang ahensya mula sa national budget sa bisa ng UHC Law.
Sinabi rin ni Villanueva na ang Universal Health Care Law ay hindi para pagyamanin ang PhilHealth, kundi para mabigyan ng dekalidad na healthcare ang mga Pilipino.
“PhilHealth is accountable to our workers who contribute hard-earned money to pay the premiums. This is also about our health workers and health care providers whose livelihoods also depend on PhilHealth fulfilling their responsibilities,” sabi ng senador.