Transcript of interview Senator Risa Hontiveros with Ted Failon and DJ Chacha on Radyo Singko

Q: Laman na po ng balita ngayon na naisampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan yung kaso, yan ho bang Committee Report ninyo, nagtutugma ba doon sa laman ngayon ng balita tungkol sa kasong sinampa.

Senator Risa Hontiveros (SRH): Yes, tugma. At masaya talaga ako na yung aming mga findings sa Senate Committee on Women, dito sa Pastillas Scam, ay fundamentally sinangayunan ng Ombudsman. At tinuturing ko talaga na tagumpay ng mga kababaihan at mga bata na biniktima ng human trafficking, lalo na po yung mga naglakas loob na magsalita gaya nung si batang alias Carina, si Ms. Ivy na taga-Taiwan, pati po yung mga taga-BARMM na trinaffic sa Syria, sina Omaima, Aleah, saka Lenlen. Tagumpay po talaga nila at masaya ako dito sa pagtaguyod sa kanila.

Q: Sa ngayon po kasi ito pong sa Sandiganbayan ay criminal case, pero pending parin yung administrative case ngayon. Ano ba ang inyong balita? Ang balita po namin, hindi pa ito naaalis sa immigration bureau, at ngayon po ay tumatanggap parin ng mga sweldo at may posisyon parin bagamat siguro wala na sa airport.

SRH: Yun na nga po. Kaya nung unang sinuspinde, by action ng Ombudsman noon, sinuspinde for 6 months, anim na buwan yun na walang sweldo. Pero kalaunan ay binalik sa trabaho, kaya sabi nga natin hindi naman sana ganon lamang ang naging parusa sa kanila, ganon lamang ang hustisyang ibibigay sa mga ibiniktima nilang mga kababaihan at saka mga bata kaya sineselbra po namin una na yung Ombudsman na resolution at inaabangan pa nga yung iba pang mga kaso na maaring patuloy na ihain sa kanila.

Ito pong development nagpapakita talaga na yung aming mga pagdinig sa mga Senate Committee ay pwede talaga, ika nga, maging force for good. At pwede ring maging katuwang itong mga pagdinig namin, katuwang ng Estado, katuwang ng mga law enforcement agencies, para labanan at parusahan para tigilan ang katiwalian. In fact, ang aming Committee on Women ay nagtrabaho very closely sa NBI, DOJ, pati na po sa DSWD.

Q: Yung mastermind ho ba dito nasama?

SRH: Hindi parin. Ang naisama pa lamang ay ilan sa mga protektor, ilan sa mga mid- to high level na promotor, pero yung pinaka-mastermind ay sa amin ngang committee report, kasama sa aming findings ay dapat ipagpatuloy ang pag-imbestiga sa posibleng papel at accountability ..

Q: Among the immigration personnel, meron doon ding pinakamataas ang posisyon na sangkot dito.

SRH: Opo, si Marc Red Mariñas, na pinakamataas na pinangalanan sa Ombudsman resolution na ito.

Q: Ito bang si Mr. Red Marinas, kasama sa Committee Report na rekomendadong dapat kasuhan?

SRH: Kasamang-kasama po siya. Speaking of mga rekomendadong kasuhan, sa kabila po ng aming kasiyahan sa affirmation na ginawa ng Ombudsman resolution. Concerned lang ako, umaasa din ako na the good Ombudsman, itetake into consideration yung fact na si Jeffrey Dale Ignacio, isa sa mga empleyadong inindict dito sa Ombudsman resolution, si Jeffrey Dale Ignacio ay whistleblower.

Whistleblower po sya na ang kanyang testimonya ay susi sa pagbungkal namin sa mga findings na ito. In fact, pinasalamatan si Dale Ignacio ng 18th Congress Senate. Sa Committee Report namin, ni-no-note ko talaga na adopted unanimously ang report na iyan. So, sana i-take into consideration talaga ng Ombudsman iyang malaking kontribusyon ni Jeffrey Dale Ignacio sa katotohanan at sa hustisya sa ginawa ng Committee Report at ginagawa ngayon ng Ombudsman.

Q: Medyo nag-choppy dun sa part tungkol kay Marc Red Mariñas. Let me clarify: Sa committee report ninyo, kasama ang pangalan n’ya pero sa Ombudsman hindi sya kasama?

SRH: Kasama po sya.

Q: OK. So, in this case po naman na si Dale Ignacio na whistleblower na isinama sa mga nakasuhan… hindi kaya malagay sa panganib ang imbestigasyon ng Sandiganbayan dito kung magbago ng salita si Ignacio dahil nga kasama sya sa kinasuhan? Hindi kaya ito magpahina sa kaso?

SRH: Well, in fact, pinapangalanan na si Dale Ignacio nung maagang yugto ng aming pag-me-meeting at sa kabila nun, naglakas-loob sya na maging whistleblower din. Dahil pinatunayan nya ang testimonya ng isa pang naunang whistleblower, si Allison o Alex Chiong. Ibig sabihin, nung una dinidiin din namin si Dale Ignacio bilang isa sa mga empleyado pero sa kabila nun ay nagmalasakit talaga sya na maging whistleblower din. So, silang dalawa ni Alex Chiong ay ang laki ng sakrispisyo sa imbestigasyong ito. Sila po ay naging susi sa pagbunyag ng katotohanan at sa pagsulong ng katarungan sa ating mga kababaihan at bata.

Kaya…at alam din po ni Dale na sa paglabas nitong Ombudsman resolution na ni-note ko kaagad…dahil kabilang sya sa mga inindict…ni-note ko agad publicly na sana isaalang-alang ng Ombudsman na sya actually ang naging bahagi hindi lang ng aming Committee report, pero ngayon ng progres nitong Ombudsman resolution. So, updated ko si Dale dyan.

Q: Speaking of Jeffrey Dale Ignacio, kumusta po sya ngayon, yung kalagayan nya?

SRH: Well, nandun pa rin sya sa Witness Protection Program. Gayun din si Alex Chiong. Amin pong mino-monitor ang kanilang welfare. At updated nga po sila sa progress ng ganitong mga resolution na bunga ng kanilang sakripisyo, bunga ng kanilang katapangan o courage. Kaya hindi po talaga mauubos ang aking pasasalamat kay Dale Ignacio at Alex Chiong, yung mga tulad nilang kawani ng ating gobyerno na nasaksihan o naging bahagi pa nga nung una nitong mga katiwalian. At dahil dun ay hindi matiis ng kanilang mga konsensya at sila talaga’y naglakas-loob sa kabila ng mga panganib at nagsalita ng katotohanan.

Q: Can we consider this na tagumpay talaga kung yung mga ulo, ang mga malalaking tao ay kasama sa mga nakasuhan?

SRH: Tagumpay na rin kahit bahagya dahil hindi lang yung mga nasa low levels kundi pati yung mga mid- to high levels ay na-indict. At patuloy…standing pa rin ang rekomendasyon ng aming Committee report na patuloy na imbestigahan at, kapag warranted na, kasuhan pati yung mga matataas.

Q: No to dampen your spirit, pero sa usapin ng mga kasong may mga whistleblower (such as chopper deal, the ZTE-NBM deal) kinalaunan ang mga whistleblower at mga nasa baba lang ang makasuhan. Indictment is just the first step, pag di ito binantayan, baka pag gising natin yung whistleblower lang ang nadiin.

SRH: Huwag naman sana. Kaya hindi talaga kami bibitaw dito, kakapit lang po kami. Alam po namin na ang DOJ ay patuloy nag-e-extend ng kanilang Witness Prortection Program sa whistleblowers.

Yung NBI ay nakapag-entrap at aresto na ng sarili nilang kasamang abogado sa NBI na kasabwat dito sa Pastillas Scam at nag-e-extort ng pera para i-abswelto o tanggalin sa pagkadawit sa imbestigasyon ng ilang mga kawani. At yung DSWD ay talagang tumulong, lalo na sa pag-rescue kay batang Carina.

So, patuloy po kaming susubaybay sa progreso ng mga kasong ito. Patuloy naming aalagaan ang mga whistleblowers. Patuloy po kaming makikipag-ugnayan sa mga executive at constitutional bodies na tumulong na rin po talaga sa nakaraang dalawa at higit pang mga taon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *